Lunes, Setyembre 14, 2015

TALUMPATI: Tugon Ng Kabataan Sa Isyu Ng Lipunan

Bilang isang kabataan ng ating lipunan, nais kong malaman ninyo ang mungkahi ng isang tulad kong kabataan sa isyu ng ating lipunan. Sa puro kong mata ay nakikita ko ang purong puro at ang inaakala kong katotohanan tungkol sa lipunan. Maganda pala ang maging isang kabataan sapagkat may mata kang nakakikita ng katotohanan na hindi na nakikita ng iba. Para sa akin ang lipunan ay napakahalaga, kaya naman ako ay hindi nagdadalawang isip na magbahagi ng aking mungkahi at di ko ipagkakait na ibahagi ang nakikita kong katotohanan. Bilang isang tipikal na kabataan ako'y nararapat na tumugon sa isyu ng lipunang aking kinabibilangan.

Heto ang nais kong ibahagi bilang katotohanan, natutunan ko ito sa ikawalong baitang: "Ang buhay ay kakambal ng paghihirap" ika nga ni Buddha. Nangangahulugang tayo ay isinilang na hindi tapos sapagkat hindi natin alam ang ating pahahantungan at kinabukasan hindi tulad ng hayop na alam na nila ang kanilang huling hantunhan. Ngunit kahit gayon pa man, tayo bilang tao ay binigyan ng panginoon ng isip at kilos-loob upang ating mapaunlad ang ating sarili hindi tulad ng mga hayop na nilikhang walang kilos-loob. Para sa akin, dapat nating isipin at isapuso na ang kapalit ng pinakamagandang katangian na ipinagkaloob sa atin ay ang responsibilidad na ito at gamitin sa tamang paraan lalo pa at napapansin kong ang mga tao ngayon ay puro sisi sa pamahalaan sapagkat para sa kanila ay pinabayaan tayong maghirap. Sa katotohanan nga lang naiinis na ako na makadinig sa telebisyon ng mga ganiyan!

Ang katotohanang nakikita ko tungkol sa isyung kahirapan na kinakahaap ng ating lipunan ay taliwas sa nakikita ko sa telebisyon. Para sa akin, ang isinilang na mahirap ay hindi masama ngunit kung ikaw ay hindi magsisikap na malampasan ito ay hindi makatuwirang bagay.Ito ay isang bagay na hindi mo nararapat isisi kaninuman. Ito ay maaaring kawalan ng sipag, kalawan ng tiwala sa sarili, kawalan ng determinasyong mangarap, at kawalan ng pananampalataya sa sarili. Ngunit ang kahirapan ay hindi naman o sa lahat ng pagkakataon ay kawalan ng pera at materyal na bagay, kung ikaw ay puno ng pag-asa, masaya, puno ng pagmamahal, kuntento, may taglay ng birtud, at may pangarap sa buhay ikaw ay hindi maituturing na mahirap kahit wala kang maraming mga materyal na bagay. Ang taong may nasabing mga katangian ay ang mga taong hindi nagbabato ng sisi sa iba kundi sa sarili siya nagbabase at siya'y totoong responsable.

Bilang ang kahirapan ay kakabitan ng ating pagsilang, nararapat lamang na tayo mismo ang bumago nito at hindi lamang umasa sa pamahalaan. Bilang isang taong may kakayahang magdesisyon para sa sarili, nararapat na tayo ay maging responsible at hindi pala asa sa pamahalaan lalo pa't mahirap ang kanilang gampanin para sa ating lipunan.

At bilang kabataan ng ating kasalukuyang henerasyon, nais kong marinig niyo ang aking munting mungkahi tungkol sa kinakaharap na isyu ng ating lipnan, ang matinding kahirapan. Ako rin ay lubos na naghahangad ng pagsasakatuparan ng mga ipinangakong plataporma ng mga nahalal sa pamahalaan, sapagkat makatutulong ito sa ating lahat. Ngunit sa kabila ng aking paghahangad, sinisigurado kong ako ay laging kumikilos nang tama at nakatutulong sa lipunan. Ako bilang kabataan ay nais na maging huwaran sa lahat sa pamamagitan ng pag isip nang positibo at may katuwiran. Sa huli, ako balang araw ay magiging bahagi ng kinabukasan kaya naman ako ay nasisikap na mag isip nang may katuwiran habang hindi pa huli na aking mapagtanto kung ano ang katotohanan.




Biyernes, Agosto 28, 2015

DAGLI: "Si Zene: Laging Andiyan Siya!"


DAGLI NI:   THERESE ANDREA M. HINGPIT

Sa pagbukas ko ng aking mga mata, nandiyan ka na. Noong ako'y bata pa, nakilala na kita. Lagi kang andiyan sa bawat pinupuntahan kong kasiyahan, gayundin sa mga libing at iba pang pagdiriwang.



Ginusto kita nang ako'y nasa ika-dalawang baitang, sumayaw ako kasama ka nang ako'y nasa ika-tatlong baitang, pati na nung ako'y pinasali ni mama sa isang audition.

 Ikaw ang laging andiyan sa tuwing ako'y masaya, at sa tuwing ako'y nalulungkot, maaari pa rin kitang isama. Kahit saan pa man dito sa mundo, andiyan ka lagi.

Masaya ako dahil sa himig mo, napapanatag ako.Gamit ang aking smart phone, mapapakinggan kita. 



At kahit wala akong dalang gadyet ay maaari kong buhayin ang iyong presensiya gamit ang aking bibig. O kung ako man ay pagod sa pagbukas ng aking bibig, andiyan ang mga ibon sa itaas upang ialay ka sa akin.Kinahihiligan ko na rin na ibahagi ka sa iba, at sa lahat naman ng pagkakataon ay nagugustuhan ka nila.




O musika, sa Hungary ay Zene kung tawagin ka, sana ikaw ay huwag mawala. Ikaw ang kaagapay ko sa mga oras na nais kong magsaya o magpahinga. Salamat at andiyan ka musika. Hindi ako mapapagod na pakinggan ka, sa kahit anong himig at sa kahit ano pang wika.O Zene!, mahal na mahal kita! Buhay ay mas kasiya-siya dahil nandiyan ka!